Madalas sa buhay natin ang may nagugustohan tayong tao. Dumadating pa nga sa punto na gustong-gusto mo siya. Gusto mo siyang makausap ng buong araw. Makita ng maraming beses sa loob ng isang araw. Pero ang masaklap lang kasi diyan, hindi siya para sayo, at hindi ka para sa kanya. Malagim na katotohanan. Mahirap tanggapin. Mahirap intindihin. Ayaw mo ding tanggapin, kasi nga gustong-gusto mo siya. Pero ano nga naman ba ang magagawa natin? Wala na. Katotohanan nga naman. Kundi masakit eh, sobraaaang sakit. Ugh.